^

Police Metro

Lady solon nagreklamo sa drone na pinalipad sa paligid ng bahay

Joy Cantos - Pang-masa
Lady solon nagreklamo sa drone na pinalipad sa paligid ng bahay
Sa complaint affidavit ni Tan sa NBI-Lucena, Disyembre 1 nang ipara­ting sa kanyang kaalaman ng kanyang mga kaibigan at supporters na may taong nag-o-operate ng isang website na https://sovereignph.com/ at iba pang mga account sa ibang online platform tulad ng Instagram at TikTok na nagpo-post ng malisyosong larawan at video ng kanilang bahay ng kanyang asawa na si Engr. Ronnel Tan na Regional Director ng DPWH Region 1.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Nagsampa ng reklamo si Quezon 4th District Rep. Angelita Tan sa National Bureau of Investigation (NBI) sa hindi pa kilalang tao na nagpapalipad ng drone sa kanyang bahay at pagkatapos ay pinoposte sa social media.

Sa complaint affidavit ni Tan sa NBI-Lucena, Disyembre 1 nang ipara­ting sa kanyang kaalaman ng kanyang mga kaibigan at supporters na may taong nag-o-operate ng isang website na https://sovereignph.com/ at iba pang mga account sa ibang online platform tulad ng Instagram at TikTok na nagpo-post ng malisyosong larawan at video ng kanilang bahay ng kanyang asawa na si Engr. Ronnel Tan na Regional Director ng DPWH Region 1.

Partikular na tinukoy ng kongresista ang pinost sa TikTok ng isang username na @sovereignpb ang isang maikling ­video clip na nagpapakita sa mukha ni Tan at kanyang asawa na may nakasulat na “corrupt officials”.

Giit ni Tan, malinaw na paglabag sa right to privacy  at illegal na surveillance ang ginagawang pagpapalipad ng drone  sa kanilang bahay  at  nagbibigay din ng mga alegasyon ng korapsyon sa kanilang mag-asawa ang mga naka post sa Tiktok at Instagram na naglalayong sirain ang kanilang pamilya.

Hiniling ni Tan sa NBI Lucena Director Dominador Villanueva III na imbestigahan kung sino ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat sa social media ng  umano’y mga malisyosong video clips.

vuukle comment

DRONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with