Pagkuha ng building permit sa Quezon City binago sa ‘new normal’ phase
MANILA, Philippines — Upang maiwasan na kumalat ang COVID-19, binago na ng Quezon City Department of Building Official (DBO) ang sistema sa pagtanggap ng aplikasyon para sa building permit sa ilalim ng “new normal” phase.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang DBO ay mayroon nang device sa online application at appointment system para sa aplikasyon at proseso ng permit upang malimitahan ang bugso ng tao na pupunta sa City Hall at maiwasan ang physical contact.
“The innovation is intended to limit the number of people visiting the DBO for the physical submission of building plans and other pertinent documents,” pahayag ni Belmonte.
Ayon kay DBO head Atty. Dale Perral, ang isang permit applicant ay dapat kumuha muna ng appointment upang maproseso ang aplikasyon para sa building permit at maproseso gamit ang kanilang electronic gadget sa pamamagitan ng dbo-af.quezoncity.gov.ph.
Nagbuo na rin ang DBO ng sariling Centralized Communications Unit (CCU) para ang lahat ng requests, complaints at tanong na may kinalaman sa building permit ay tatanggapin via electronic mail sa pamamagitan ng Department’s official e-mail address - [email protected].
Ang permit applicant ay hindi na rin pupunta sa City Planning at Bureau of Fire para makakuha ng Locational Clearance at Fire Clearance/Certificates dahil maaari na silang mag-via online appointment schedule at mag-submit ng lahat ng kailangang dokumento.
- Latest