^

Police Metro

Maglola patay sa bumagsak na puno

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 73-anyos na lola at 12-anyos nitong apong lalaki ang binawian ng buhay matapos madaganan ng dambuhalang puno ng acacia ang kanilang tahanan sa Isabela City, Basilan nitong Sabado ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing matanda na si Florita Benitez at apo nito na si Irvin Utong; pawang residente ng Purok Molave, Brgy. De San Rafael, ng naturang lungsod.

Sa ulat, bandang alas-3:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, mahimbing na natutulog ang maglola nang bigla na lamang matumba ang isang malaking puno ng acacia na dumagan sa tahanan ng mga ito.

Nabatid na sa mismong tulugan pa ng mga biktima bumagsak ang dambuhalang puno kung saan wasak na wasak ang kanilang tahanan at hindi na nakaligtas pa ang mga biktima.

Nabatid na ilang araw nang umuulan sa lugar kaya lumambot umano ang lupa na naging dahilan para matumba ang puno.

vuukle comment

ACACIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with