^

Police Metro

Chinese casino financier ‘di kumidnap ng kababayan - lawyer

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinabulaanan kahapon ng abogado ng isang Chinese casino financier na hindi nito kinidnap ang kanyang kababayan na inaresto at ikulong ng mga pulis sa Malate, Maynila, kamakailan.

Ito ang niliwanag kahapon ni Atty. Ariel Inton, abogado ni Song Pen Ren, alyas Luo Jie, 35, na nani­nirahan sa isang condomi­nium sa Adriatico, Maynila.

“Walang kidnapping na nangyari dito.’Yung complainant na si Luo Jing alyas “Jun Cheng” ay humiram ng P200,000 sa kliyente ko para maglaro sa casino. Natalo ito at nagsabi si Cheng na tatawagan ang kanyang mga magulang para bayaran si Jie. Kaya naghintay ang kliyente ko kay Cheng para ibalik ang utang niya,” sabi ni Inton.

“Nung hindi makaba­yad si Cheng sa kliyente ko, nagsabi si Jie na tutulungan na magtrabaho sa kanyang kaibigan para makabayad sa kanya. Nagkaroon ng trabaho si Cheng dahil kay Jie kayat ang dalawa ay umuwi na ng kanilang tirahan noong June 28,” sabi ni Inton.

Kinabukasan aniya, ay nagtungo ang mga pulis sa condo unit ni Jie at nagsabi na iniimbitahan sa pulisya para sa ilang katanungan at dahil kilala ni Jie ang mga pulis na nag-imbita sa kanya ay sumama siya sa himpilan ng pulisya sa Maynila.

Pagdating sa istasyon ng pulis ay biglang ikinulong at kinalbo agad at kinasuhan ng kidnapping.

Binigyang diin ni Inton na magsasampa ang kanilang kampo ng arbitratry detention at illegal arrest kay Jie bukod sa aalamin nila ang kaugnayan ng complainant sa pulisya na may peke umanong passport na kanila ring bubusisiin.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with