^

Police Metro

PNP binalaan ang militante sa pagsusunog ng effigy sa SONA ni Pangulong Marcos

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Papanagutin ang militanteng grupo na magsusunog ng kanilang effigy kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) kasunod ng inilabas ng pahayag ng Quezon City Police District (QCPD) na paiiralin nila ang Batas Pambansa 880 na sumasaklaw dito.

Binanggit ni PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo na malinaw na nakasaad sa batas na ipinagbabawal ang pagsusunog ng anumang bagay sa kalsada kaya’t pakiusap nila sa mga magkikilos-protesta na huwag nang gawin ito.

Una rito, inihayag ng PNP na nasa final stage na sila, isang linggo bago ang ikatlong SONA ng Pangulo ay hinihintay na lamang nila ang ila­labas na mga permit ng Pamahalaang Lungsod ng Quezon kung aling grupo ang papayagang magkasa ng aktibidad.

Wala naman namo-monitor na anumang seryosong banta ang PNP habang ayaw namang patulan ang mga persona­lidad na tila nag-iinstiga ng gulo sa mismong araw ng SONA.

vuukle comment

SONA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with