^

Police Metro

Pinas pumayag na ampunin ang mga Afghan nationals

Malou Escudero - Pang-masa

Habang naghihintay ng kanilang US visa…

MANILA, Philippines — Pumayag na ang gob­yerno ng Pilipinas sa hi­ling ng Estados Unidos na kupkupin muna ang mga mamamayan ng Afghanistan habang ipi­noproseso ang kanilang special immigrant visa na ibibigay sa kanila ng Amerika.

Magsisilbing “US immigrant visa processing center” ang Pilipinas ng mga Afghan nationals na aabot sa pagitan ng 150 hanggang 300 applicants.

Ang mga Afghan nationals ay nagtrabaho para sa U.S. government sa Afghanistan at ikinokonsiderang “eligible” para sa U.S. special immigrant visa pero naiwan nang lisanin ng Washington ang nasabing bansa nang manaig ang mga Taliban militants noong 2021.

Una nang humi­ling si U.S. Secretary of State Antony Blinken sa counterpart nito sa Pilipinas noong 2022 at tinalakay ni US President Joe Biden ang kahilingan nang bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos sa Estados Unidos noong nakaraang taon.

Ang U.S. government ang sasagot sa gastos nang pananatili ng mga Afghan nationals sa bansa kabilang ang kanilang pagkain, housing, security, medical at transportation expenses.

Kaugnay nito, ipinahiwatig ni Sen. Imee Marcos na posibleng magdulot ng panibagong problema ang pagdating ng mga Afghan nationals dahil sa aabot sa apat na taon ang pagpo-proseso ng US visa.

vuukle comment

VISA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with