^

Police Metro

2 lalaki itinumba sa inuman

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang dalawang lalaki matapos na pagbabarilin ng nag-iisang  armadong lalaki habang nag-iinuman sa Brgy. Cosili East, Bangued, Abra, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Kieft Marty Battala, 21 ng Peñarrubia; at Mark Joseph Tupasi, 28, taga Bucay pawang sa lalawigang ito.

Sa report ng Abra Police, naganap ang krimen habang ang mga biktima ay nakikipag-inuman sa bahay ng isa nilang kasamahan sa trabaho nang biglang sumulpot ang armadong lalaki at sila ay pagbabarilin.

Ang mga biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at dibdib na kapwa agarang ikinamatay ng mga ito. Habang ang suspek ay mabilis tumakas na sinamantala ang kadiliman ng paligid.

Pinaniniwalaan namang isang lumang alitan ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon at pagtugis ng mga otoridad sa suspect.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with