^

Police Metro

P200 million puslit na karne sinunog ng NBI

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasa P200 milyong halaga ng mga karne na sinasabing smuggled o puslit ang sinunog ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang treatment storage at disposal facility sa San Ildefonso, Bulacan kahapon.

Ang mga puslit na frozen products ay nakumpiska ng NBI sa isinagawang raid sa isang cold storage faci­lity sa Marilao, Bulacan makaraang makumpirma na ang mga kontrabando ay naibebenta online.

Sinasabing ang kompanya na nagbebenta ng mga frozen meat ay nag-o-operate bilang isang ice plant kaya’t nagpadala ng subpoena rito ang NBI upang ipaliwanag kung bakit umaangkat ng mga imported meat products nang walang kaukulang lisensiya.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, takdang kasuhan ng ahensiya ang may-ari ng kompanya kaugnay sa nasbaing ilegal na operasyon.

Ang mga kumpiskadong frozen meat ay hindi na maaaring kainin kaya’t sinunog upang hindi na maibenta pa, pahayag ni Santiago.

May limang araw aniya bago matapos ang pagsusunog sa naturang mga puslit na produkto.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with