^

Police Metro

Bangkay ng beauty queen, Israeli BF may tig-2 tama ng bala sa katawan — NBI

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Bureau of Investigation (NBI) na batay sa lumabas na resulta ng isinagawa nilang autopsy sa bangkay ng beauty queen contestant at kanyang nobyong Israeli ay kapwa may tig-dalawang tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.

Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang beauty queen contestant, na si Geneva Lopez, 27, ay may tama ng bala sa kanyang likod at hita.Habang ang kanyang nobyo na si Yitshak Cohen, 37, ay may tama ng bala sa dibdib at malapit sa kilikili.

Ayon kay PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Major General Leo Francisco na nagkaroon ng breakthrough sa imbestigas­yon sa pagsurender sa mga otoridad ng nakonsensyang SUV driver na si alyas Jess at itinuro rin ang dalawang dating pulis na may kinalaman sa krimen at itinuro ang pinagbaunan ng bangkay ng magkasintahan sa isang quarry site sa Brgy. Sta Lucia, Capas, Tarlac noong Sabado.

Ang nasabing mga dating pulis ay mga  nag-AWOL (Absent Without Official Leave) ay siya umanong nag-hire kay alyas Jess na ginawang state witness ng PNP-CIDG sa krimen. Ang dalawang dating pulis ay nasa kustodiya na ng pulisya.

vuukle comment

ATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with