2 bata namatay sa Dengvaxia vaccine
MANILA, Philippines — Ibinulgar sa isang pulong balitaan ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta na may dalawang bata na ang namatay matapos mabakunahan ng Dengvaxia vaccine at pinasinungalingan ang mga naunang ulat na wala pang namamatay sa mga nabakunahan.
Iprinisinta ni Acosta ang magulang ng nasawing 10-anyos na si Anjelica Pestilos at 11-anyos na si Christine Mae De Guzman na namatay sa sakit na dengue matapos itong mabakunahan ng dengue vaccine na Dengvaxia.
Sinabi ni Nelson de Guzman, ama ni Christine na wala silang history ng dengue infection makaraang sumakit ang ulo at magkalagnat ang anak noong Oktubre 11, 2016 at namatay ang anak niya sa Bataan General Hospital noong Oktubre 15, 2016 makaraang dalhin sa ospital noong October 14.
Ayon sa ama na ang kanyang anak ay nabakunahan ng unang Dengvaxia shot noong April 2016 nang ilunsad ang vaccination program ng Department of Health (DOH).
Mayroon silang dokumento na nagpapatunay na nabakunahan ng Dengvaxia vaccine ang anak bago nalaman na mayroon itong dengue. Habang si Pestilos naman ay namatay noong December 6.
Nakatakdang hawakan ng PAO ang kasong kriminal, sibil at administratibo para sa lahat ng mga biktima ng ibinakunang Dengvaxia na nagkaroon ng injuries, sakit at namatay.
- Latest