Ex-Tawi-tawi governor inireklamo sa depektibong SALN
MANILA, Philippines – Nabigo umano si dating Tawi-tawi governor Sadikul Sahali na makapag-comply sa Section 8 ng Republic Act 6713 (Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees) kaya’t pinakakasuhan ito ng tanggapan ng Ombudsman.
Nabatid na anim na beses ang ginawang paglabag ni Sahali batay sa isinumite nitong Statement of Asset and Liabilities (SALN) mula taong 2007 hanggang 2011 na hindi dumaan sa isang notary public at hindi rin nito nalagdaan ang isinumiteng SALN para sa taong 2012 na lampas naman sa itinakdang deadline na April 30 sa pagsusumite nito.
Sa ilalim ng Section 8 ng R. A. No. 6713, ang sinumang opisyal ng pamahalaan at mga empleyado ay may obligasyon na magsumite under oath ng kanilang assets, liabilities, net worth, financial at business interests kasama na ang sa kanilang asawa at mga anak na wala pang asawa na may 18 gulang na kasama nilang naninirahan sa kanilang tahanan.
- Latest