^

Police Metro

Mga armas, gadgets, at appliances narekober sa Bilibid

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sa ikalimang pagkakataon ay muling nagsagawa ang Bureau of Corrections (BuCor) ng “Oplan Galugad” ope­ration  sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) Muntinlupa City kahapon ng umaga.

Sinabi ni NBP Superintendent Richard Schwarzkopf, alas-5:00 ng umaga nang salakayin at su­yurin ng pinagsanib na pwersa ng  BuCor  at  Explosive Ordnance Disposal ng Philippine Army ang building 1 at 2,  na nasa Quadrant 4  sa loob ng Maximum Security  Compound na may 1,000 bilanggo.

Gumamit  ng mine at metal detectors ang raiding team upang matukoy ang mga nakabaong kontrabando na halos may limang oras ang naging operasyon.

Muling ginalugad ang mga selda ng pangkat ng Batang City Jail,  Sigue-Sigue Sputnik, Commando Gang at Genuine Ilocano Group (GIG) at muling nakasamsam ng  iba’t ibang uri ng appliances, electronic gadgets, isang kalibre 45 baril, improvised shotgun, assorted na mga bala, cellphone, mga droga na pampagana sa  sex at mga improvised na patalim.

Nakakumpiska din  sa selda ng Sigue-Sigue Sputnik at Commando Gang ng chop-chop na parte ng mga motorsiklo at 11 bote ng mamahaling alak na nakalagay sa alulod na yero para hindi mahalata.

Magkakabit na ng  fish net sa mga bakuran ng NBP upang maiwasan ang paghahagis ng mga bilanggo ng mga kontrabando.

Bukod  dito, nagdagdag na rin ng  CCTV camera sa loob at labas ng buong bisinidad  ng NBP.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATANG CITY JAIL

BUREAU OF CORRECTIONS

COMMANDO GANG

EXPLOSIVE ORDNANCE DISPOSAL

GENUINE ILOCANO GROUP

MAXIMUM SECURITY

MGA

NBSP

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with