Obama humanga sa Pinay scientist
MANILA, Philippines – Hinangaan ng lubos ni US President Barack Obama na naging panauhin pandangal sa APEC-CEO Summit kahapon ng umaga kaugnay sa Climate Change ang Filipina scientist na si Aisa Mijeno ng Sustainable Alternative Lighting (SALt) lamp.
Si Mijeno ang chief executive officer ng SALt lamp na isang environmental friendly at sustainable light source na ang ginagamit ay tubig-alat sa halip na kuryente.
Wika pa ni Mijeno, ang Climate Change ay totoo at hindi lamang ito nilikha ng mga scientists upang makakuha ng pondo.
Aniya, ang elektrisidad at pailaw ay basic need na dapat mabigyan ng karampatang pagtutok ng gobyerno kaya isinulong nila ang SALt lamps lalo sa mga remote barangays sa kanayunan at kabundukan na walang kuryente.
Idinagdag pa ni Mijeno, kayang pailawin nito ang isang SALt lamp sa pamamagitan lamang ng 2 kutsara ng asin at tubig na tatagal ng 8 oras na kaya pang makapag-charge ng cellphones.
Naniniwala si Obama na magtatagumpay si Mijeno sa isinusulong nitong SALt lamps sa pamamagitan ng tulong ng gobyerno at pribadong sector.
- Latest