^

Police Metro

Nagpasalamat kay P-Noy... Abad mananatili sa puwesto

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Although I was wholly prepared to relinquish my post, I am grateful for the President’s expression of his continuing trust and confidence in my leadership of the Department. I have thus chosen to defer to his better judgment and stay.”

Ito ang inilabas na press statement ni Budget and Management Secretary Florencio “Butch”  Abad na ma­natili na lang sa posis­yon matapos na hindi tanggapin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang pagbibitiw.

Inihayag pa ni Abad na pinag-isipan niyang mabuti ang paghahain ng kanyang resignation noong nakaraang Huwebes sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa Disbursement Acce­leration Program (DAP) na idineklara ng Supreme Court na unconstitutional.

Idinagdag nito na ina­ako niya ang buong res­ponsibilidad sa pagbuo at pagpapatupad ng DAP kaya minarapat niyang siya ay magbitiw, pero hindi naman tinanggap ng Pangulo.

Ayon kay Abad, bagaman at nakahanda talaga siyang iwanan ang kanyang puwesto, nagpapasalamat siya at patuloy na nagtitiwala sa kanyang liderato sa DBM ang Pa­ngulo kaya hindi na rin siya aalis.

Ipinaliwanag pa aniya ng Pangulo na ang pagtanggap sa pagbibitiw ni Abad ay nangangahulugan na nagkamali ang kalihim gayong naging kapaki-pakinabang naman umano ang DAP.

Idinagdag ni Abad na determinado siya na patunayan na tama ang naging pagtitiwala ng Pangulo sa kanyang integridad at kakayahan.

ABAD

ALTHOUGH I

AYON

BUDGET AND MANAGEMENT SECRETARY FLORENCIO

DISBURSEMENT ACCE

IDINAGDAG

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with