^

Police Metro

US troops sa Yolanda victims pinuri ni Obama

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang US troops na u­nang nagresponde sa relief and humanitarian missions sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City, Leyte at Samar ang binigyan ng papuri kahapon ni United States President Barack Obama.

Maging ang mga bete­rano ng World War II ay nakatanggap din ng papuri mula kay Obama.

Sa kaniyang talumpati sa Army Gym and Wellness Center sa Fort Bonifacio, Taguig City, sinabi ni Obama na kabilang ang matitinding kalamidad tulad ng bagyong Yolanda sa mga hamon na dapat paghandaan ng magkaal­yadong bansa dulot ng pagbabago ng panahon.

“These are the kinds of missions we face today. Yesterday, President Aquino and I agreed to begin a new chapter in our alliance. And under our new agreement, American forces can begin rotating through Filipino airfields and ports”, ani Obama sa US at AFP troops na kabilang sa audience nito sa nasabing venue.

 â€œWe’ll train and exercise together more to bring our militaries even closer, and to support your efforts to strengthen your armed for­ces.  We’ll improve our abi­lity to respond even faster to disasters like Yolanda”, ayon pa kay Obama kaugnay ng taunang Balikatan Exercises 2014.

Sa tala, ang US troops ang nanguna sa multi national contingent na sumaklolo at nagresponde sa mga biktima ng bagyong Yolanda  na nagbuhos ng mas mara­ming tropa, eroplano at mga barko para maihatid ang mga relief goods sa mga nagugutom na evacuees.  Ang bagyong Yolanda ay nanalasa sa Visayas Region noong Nobyembre 2013.

Samantala, binisita rin ni Obama ang American ceme­tery sa Fort Bonifacio na pinag­libingan sa mga sun­dalong Amerikano at Filipino na namatay noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig mahabang panahon na ang nakalilipas.

vuukle comment

ARMY GYM AND WELLNESS CENTER

BALIKATAN EXERCISES

FORT BONIFACIO

OBAMA

PRESIDENT AQUINO AND I

SHY

VISAYAS REGION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with