Pulis-Pasay dedo sa drug raid
MANILA, Philippines - Isang pulis-Pasay ang namatay nang ito ay mabaril sa isinagawang raid sa kuta ng isang miÂyembro ng sindikato ng iligal na droga at pangÂhoholdap kahapon ng madaling araw sa Pasay City.
Ang biktima na idiÂneklarang dead-on-arrival sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ay nakilaÂlang si SPO1 Jesus Tizon, 40, nakatalaga sa Police Community Precinct 7, at residente ng Imus, Cavite.
Sa ulat ng Pasay Police, bago nangyari ang pamamaril dakong ala-1:49 ng madaling-araw ng mga miyembro ng sindikato sa pamumuno ng isang alyas Punggoy sa may Apelo Cruz St., Brgy. 157, Zone 16 ay nagsagawa “routine beat patrol†sa Apelo Cruz Street ang mga pulis at pinapasok ang mga eskinita sa lugar nang mapahiwalay sa kanila si Tizon.
Dito na sila nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril at nang kanilang puntahan ang pinagmulan ng putok ay nakita ang duguang katawan ni Tizon habang nawawala ang caliber .9mm service pistol nito.
Nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section sa pamumuno ni P/Chief Insp. Joey Goforth at natukoy ang bahay ng suspek na si alyas Punggoy na nagawang makatakas nang makatunog ang pagsalakay ng mga pulis.
Nakumpiska naman sa loob ng bahay ni alyas Punggoy ang liÂmang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, mga paraphernalia, isang kalibre .45 baril, mga bala ng kalibre .45, magazine ng Uzi, isang granada, isang palakol, isang samurai, isang jungle bolo, isang baton knife, mga pera, iba’t ibang identification cards, limang basyong bala ng caliber .30 carbine rifle at 13 bala nito.
- Latest