^

Police Metro

Pagbakasyon nasa kanyang desisyon...Biazon kakausapin ni P-Noy

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa desisyon ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon kung maghahain ito ng kanyang bakasyon matapos makasama sa ikalawang batch ng mga opisyal ng gobyerno na inirekomenda ng Natio­nal Bureau of Investigation na sampahan ng kaso kaugnay sa P10 bilyong pork barrel scam.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Herminio Coloma, Jr., dahil kung legal na aspeto ang pag-uusapan, dadaan pa sa review at evaluation process ng Ombudsman ang kaso ni Biazon at iba pang inireklamo ng NBI na kasuhan sa Sandiganbayan, pero sa  ngayon ay wala pang batayang legal para magbakasyon si Biazon.

Sinagot ni Coloma ang tanong kung dapat ng bumaba sa puwesto si Bia­zon dahil sa delicadeza ay sinabi na nasa desisyon ng indibidwal ang tinatawag na delicadeza.

Inihayag din ni Coloma na balak ni Pangulong Benigno Aquino III na kausapin si Biazon matapos makasama sa ikalawang batch na nadawit sa pork barrel scam.

“Ang sabi po ng ating Pangulo ay magkakaroon po ng pagkakataon mapag-uusapan--o kakausapin niya si Commissioner Bia­zon hinggil dito. Iyon lang po ang kanyang sinabi,” pahayag ni Coloma.

Wala rin umanong impormasyon si Coloma sa mga kumakalat na espikulasyon na balak nang tanggalin ng Pangulo sa puwesto si Biazon.

Ang BoC ay isa mga binanatang ahensiya ng Pangulo sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA), pero hindi ito naging dahilan para bumaba sa puwesto si Biazon.

vuukle comment

BIAZON

BUREAU OF CUSTOMS COMMISSIONER RUFFY BIAZON

BUREAU OF INVESTIGATION

COLOMA

COMMISSIONER BIA

PANGULO

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

SECRETARY HERMINIO COLOMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with