Lee inabswelto sa syndicated estafa
MANILA, Philippines - Inabswelto ng Court of Appeals (CA) sa kasong syndicated estafa si Globe Asiatique President Delfin Lee.
Ang kaso ay nag-ugat sa mahigit P7-bilyon pisong maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-ibig Fund para sa diumano’y mga bumili ng bahay sa housing project ng kumpanya sa Mabalacat, Pampanga na nadiskubreng “ghost borrowersâ€.
Sa 29-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Franchito Diamante, pinawalang bisa rin ng CA Special 15th Division ang warrant of arrest na ipinalabas ng Pampanga Regional Trial Court laban kay Lee.
Inaprubahan ng appellate court ang petition for certiorari na inihain ni Lee at inatasan si Judge Ma. Amifaith
Fider-Reyes ng San Fernando, Pampanga RTC Branch 42 laban sa pag-usad ng kasong kriminal laban kay Lee.
Ayon sa CA, hindi naman nabanggit sa kinukuwestiyong resolusyon ng korte sa Pampanga na ang krimen o ang mga partikular na hakbang na ipinaparatang kay Lee at sa kanyang mga kapwa akusado ay ginawa ng lima o higit pang mga tao.
Sa ilalim umano ng batas, kabilang sa eleÂmento ng syndicated estafa ay dapat ang hakbang na pinagbatayan ng kaso ay kagagawan ng lima o higit pa rito na bilang ng mga tao.
- Latest