3,000 patay ‘di pa kilala
MANILA, Philippines - Hanggang sa kasalukuyang ay hindi parin nakikilala ang mahigit sa 3,000 nasawi sa super bagyong Yolanda na humagupit sa Visayas Region partikular na sa Leyte at Samar.
Nabatid mula kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ExeÂcutive Director Eduardo del Rosario, na 3,633 bangkay na ang narekober ng mga awtoridad sa kanilang isinasagawang search and retrieval opeÂration.
Ayon kay del Rosario, 3,017 sa mga nakuhang bangkay ay hindi pa nakilala kung saan ang pinakamarami ay sa Tacloban City na 696; sa Dulag ay 675; sa Tolosa at Tanauan ay 600; sa Eastern Samar ay 221; sa Western Samar ay 113; sa Central Visayas ay 74 at iba pang panig ng bansa na hinagupit ni ‘Yolanda’.
Mahigit sa 1,000 pa ang nawawala sa bayan ng Tanauan, Leyte at 119 pa ang hinahanap sa EasÂtern Samar. Nasa 12,487 namang ang nasugatan na karamihan ay sa Eastern Visayas.
Samantala, paiiralin naman ng Department of Health (DOH) ang systematic management sa mga bangkay na nakuha dulot ng pananalasa ni ‘Yolanda’.
Nabatid na nag-convene ang DOH, mga forensic experts mula sa World Health Organization (WHO), National Bureau of Investigation (NBI), at University of the Philippines (UP) para sa itatayong systematic management ng mga bangkay.
Ang naturang sistema na inilatag ay katulad ng kasalukuyang international standards sa Disaster Victims Identification (DVI).
Marami pang bangkay sa mga apektadong lugar ang hindi pa nakikita at narerekober hanggang sa kasalukuyan.
Hindi pinapayagan ang public viewing sa pagkilala sa mga bangkay bagamat ang mga kamag-anak ng mga ito ay maaaring pahintulutang makilahok sa final identification.
Bawat grupo ay hahawak ng 40-bangkay kada araw, kung saan ang mga larawan, mga palatandaan, gamit at mga DNA samples ng bawat bangkay ay kokolektahin upang mapadali ang pagkilala sa kanila.
Umapela naman si Health Secretary Enrique Ona sa publiko na maÂging mapagpasensiya at maunawain dahil ang final identification ng mga bangkay ay maaari aniyang magtagal.
Iginiit rin ni Ona na mahalagang mailibing ang mga patay ng may dignidad.
- Latest