^

Police Metro

Bebot tinigok sa ‘onsehan’ sa droga

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Bebot tinigok sa ‘onsehan’ sa droga
Sa salaysay ng mga saksi sa pulisya, ala-6:00 ng gabi ay nakarinig sila ng apat na putok at nakitang bumagsak ang biktima na tinamaan sa ulo at katawan.
File

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 34-anyos na ­babae matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang naglalakad sa P. Bautista St., Barangay Marulas,Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Sa salaysay ng mga saksi sa pulisya, ala-6:00 ng gabi ay nakarinig sila ng apat na putok at nakitang bumagsak ang biktima na tinamaan sa ulo at katawan.

Ayon kay PMaj. Randy Llanderal, Chief, Public Information Office, Valenzuela Police Station, may katatagpuin umano sa nabanggit na lugar ang biktima nang biglang ikutan ng riding- in-tandem at paputukan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo at patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad.

Sa isinagawang imbestigasyon, lumutang ang anggulong may kinalaman sa droga ang pamamaslang.

Tinitingnan ng pulisya ang onsehan sa ilegal na droga ang motibo sa krimen matapos na masangkot sa ilegal na droga ang biktima bukod pa sa ito ay may reklamo ng pagnanakaw sa kanilang barangay.

Mayroon nang ­person of interest ang pulisya sa krimen.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with