^

Police Metro

Dalaga na-rape/slay sa paghanap ng cellphone signal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa ng malamig na bangkay nang matagpuan ang isang 18-anyos na dalaga nang ito ay ginahasa at pinatay matapos lumabas ng kanilang bahay para maghanap ng cellphone signal sa Old Bulatukan, Makilala, North Cotabato nitong Miyerkules ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rhona Mae Patricio na ang hubo’t hubad na bangkay na tadtad ng mga sugat at galos na nakahandusay sa isang sapa sa nasabing lugar.

Sa report ng Maki­lala Police, ang biktima ay nagpaalam sa magulang dakong alas-7:30 ng gabi ng Martes na lalabas muna ng bahay para maghanap ng signal ng cellphone, subalit nabigo na itong makabalik ng kanilang tahanan.

Base sa imbestigasyon, isang concerned citizen ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa isang sapa sa loob ng Boy Scout Camp compound sa Old Bulatukan ng bayang ito bandang alas-7:30 ng umaga noong Miyerkules.

Agad namang inireport sa mga otoridad na iprinoseso ang crime scene na kung saan ay nakitaan ito na may sugat sa noo at batok na sanhi ng pagpalo ng matigas na bagay na hinihinalang siya nitong ikinasawi.

Kasalukuyang sinusuri ng pulisya ang cellphone ng biktima upang alamin ang mga indibidwal na huling nakausap nito bago ito natagpuang patay.

Hinihintay rin ang resulta ng post mortem examination upang makumpirma kung positi­bong ginahasa ang biktima bago pinaslang.

RAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with