^

Police Metro

Indian trader dinukot ng mga ‘sundalo’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinukot ng mga armadong kalalakihan na nagpanggap na mga sundalo  ang isang Indian trader kamakalawa ng gabi sa Brgy. Sarmiento, Parang, Maguindanao.

Kinilala ang biktima na si Krishan Singh Arora, 54-anyos.

Batay sa ulat, bandang alas-8:45 ng gabi nang bigla na lamang sumulpot ang mga arma­dong kidnapper na naka­suot ng camouflage uniform at nagpanggap na sundalo sa compound ng Eversun Plywood Factory sa Brgy. Sarmiento ng bayang ito.

Walang nagawa ang biktima matapos itong tutukan ng baril at kaladkarin ng mga armadong kidnapper na tinangay patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Nabatid na nais ng biktima na buksan muli ang pabrika ng plywood na dating pag-aari ng negos­yanteng Koreano matapos itong magsara may isang dekada na ang  nakakalipas dahilan sa problema sa pangasiwaan nito.

Matapos na mabili ang nasabing pabrika may ilang buwan na ang nakakalipas ay inaayos ng biktima ang pag-oorganisa­ ng panibagong grupo ng mga tauhan upang muli itong mag-operate.

Sa kasalukuyan  ay hindi pa kumokontak  ang grupo ng mga kidnapper sa pamilya ng biktima.

BATAY

BRGY

DINUKOT

EVERSUN PLYWOOD FACTORY

KINILALA

KOREANO

KRISHAN SINGH ARORA

MAGUINDANAO

SARMIENTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with