Inabangan pagkagaling sa seminar… Nurse utas sa ambush
MANILA, Philippines - Napatay sa amÂbush ang isang 46-Âanyos na nurse nang pagÂbabarilin ito ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo kaÂmaÂkalawa ng gabi sa MaÂlabon City.
Ang biktima na binaÂwian ng buhay habang giÂnagamot sa Tondo MeÂdical Center dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Teresita Policarpio, ng Dizon St., Barangay Tinajeros ng naturang lungsod at nakatalaga sa Sanitation Department ng Malabon City Hall.
Batay sa ulat, alas-6:30 ng gabi, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo mula sa isang seminar na ginanap sa DeÂvine Mercy School sa Caloocan City.
Pagsapit ng biktima sa Royal Mirror sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Barangay Acacia, MalaÂbon City ay dinikitan ito ng isang motorsiklo sakay ang dalawang hindi pa nakilalang suspek at agad na pinagbabaril.
Mabilis na nagsitakas ang mga suspek na hindi naplakahan na moÂÂtorÂsiklo habang ang bikÂÂtima ay dinala sa naÂturang osÂpital ng ilang taong nagÂmamalasakit, subalit naÂÂÂmatay ito habang nilaÂlaÂpatan ng lunas.
- Latest