^

Police Metro

Sa paglutas sa Zambo krisis... tulong ng un ‘di kailangan

Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na kailangan ang tulong ng United Nation (UN) upang lutasin ang krisis sa Zamboanga City.

Ayon kay Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang, kayang-kaya ng gobyerno na resolbahin ang krisis sa Zamboanga nang hindi kinakailangan ang tulong ng inter­national community.

Sinabi ni Sec. Ca­randang, may kakayahan ang gobyernong Aquino na lutasin ang krisis sa Zamboanga City nang hindi humihingi ng tulong sa UN upang malutas agad ang problemang nilikha ng Moro National Libe­ration Front (MNLF)-Misuari faction.

“We have the resour­ces to deal with it,” paliwanag pa ni Carandang sa Ma­la­cañang reporters kaugnay sa naging pahayag ng UN na ang sitwasyon daw sa Zamboanga City ay itnituring nang “humanitarian crisis” matapos umabot sa mahigit 100,000 residente ang naapektuhan ng kaguluhan at napilitang iwan ang kanilang mga tahanan.

“We have the resources to deal with it. Full blown rehab cannot begin until the Misuari forces are ejected and that’s what we are doing now,” paliwanag pa ni Carandang.

Nagpapasalamat naman ang Palasyo sa pag-aalok ng tulong ng UN upang malutas agad ang krisis upang makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga residente.

Nilinaw din ni Ca­randang na hindi masisimulan ang ‘full blown rehabilitation’ sa Zamboanga kung patuloy pa rin ang paghahasik ng kaguluhan ng MNLF-Mi­suari faction.

CARANDANG

MISUARI

MORO NATIONAL LIBE

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS GROUP SEC

RICKY CARANDANG

SHY

UNITED NATION

ZAMBOANGA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with