Piskal at abogado inaresto
MANILA, Philippines - Inaresto ang isang piskal at isang abogado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil umano sa panunuhol ng P200,000 sa isang pulis upang umurong sa pagtestigo sa korte sa mga kasong murder, illegal possession of firearms at illegal drugs ng dalawang akusado.
Ang dalawang inaresto ay kinilalang sina Deputy prosecutor Roselyn Murillo Mamon ng Zamboanga City at Atty. Pherham Surian Saiddi.
Nadakip ang dalawa sa isinagawang operasyon noong Huwebes sa Room 105 ng Zamboanga Hall of Justice kaugnay sa reklamo ni PO3 Flavio Enriquez Jr.
Unang naghain ng reklamo sa Presidential Anti-Organized Crime Commission si Enriquez bago ipinasa sa NBI .
Sinabi ni Enriquez, hinimok siya ng dalawang suspek na huwag nang dumalo sa pagdinig sa korte ng mga kasong kinakaharap nina PO2 Pon Mohammad Mansul at Margani Samlaa sa Zamboanga Regional Trial Court, Branch 14.
- Latest