Bahay ni Bong Revilla pinalibutan ng PNP
MANILA, Philippines - Pinalibutan ng mga pulis ang mansion ni Senador Ramon “Bong†Revilla Jr. sa Bacoor City makaraang dito magtago ang mga armadong kalalakihan na hinahabol ng mga otoÂridad.
Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., nakatanggap ang pulisya ng impormasyon hinggil sa presensya ng mga armadong lalaki sa mansion compound na pag-aari ni Senador Revilla sa #77 Trece Martirez St., Justinville Subdivision, Brgy. Panapaan ng lungsod.
Sinabi ni Cerbo na nag-apply ng search warrant ang pulisya sa limang behikulo na may plate numbers XTD-628, XEE-253, XCZ-957, WTK-503, at Toyota Vios (color red) na may conducÂtion sticker TL-8227.
Ang nasabing mga behikulo ay naglalaman umano ng matataas na kalibre ng baril tulad ng 3 AK-47, isang M-16 armalite, 2 cal. 45 at 1 caliber 7.62 na pawang mga fully loaded.
Sinabi ni Supt. Rommel Casanova Escolan, Spokesman ng Cavite Police anim na kalalakihan ang inaresto na kinilalang sina Honor Santos, EpifaÂnio Baria, Rosaurio Estardo, Rizalos Ronario at Danilo Cruz, habang ang isang organic member ay si FredeÂrick Galvez.
Kasalukuyan namang hinihintay ang search warrant para mapasok ang bahay ng Senador na sinasabing tinakbuhan at pinagtaguan ng 30 armadong kalalakihan na hinahabol ng pulisya.
Ang mga armadong kaÂlalakihan ay pawang naÂkaÂsuot ng vests na may marÂkings ng National Bureu of Investigation National Police Commission at KabaÂyan Bikers na nakaposisyon umano sa loob ng compound ng mga Revilla.
Nang magresponde ang mga elemento ng Regional Public Safety Battalion (RPSB) upang iberipika ang ulat ay hinarang umano ang mga ito ng mga armadong lalaki kaya nagkaroon ng standoff sa compound ng mga Revilla.
Tumawag naman ng reinforcements ang mga RPSB personnel upang makipagnegosasyon sa mga armadong lalaki pero sinabi ni Revilla na hiniling niya sa NBI ang presensya ng mga ito dahilan kumakampi sa kalabang pulitiko ang mga pulis sa Cavite.
Sinabi ng opisyal na nang aarestuhin na umano ang mga armadong lalaki ay nagtakbuhan ang mga ito sa loob ng compound ng mga Revilla kaya anim lamang ang nasakote. – Joy Cantos, Cristina Go-Timbang –
- Latest