5 ‘tulak’ , tiklo sa P47 milyong shabu
MANILA, Philippines — Lima umanong drug pusher ang nasakote ng mga otoridad sa isang buy-bust operation sa nitong Sabado sa Bulacan.
Kinilala lamang ang mga suspek samga pangalang “Joyce”, 46; “Caloy”, 41; “Carl”, 19; “Christy”, 21 at “Russ”, 20, pawang mga residente ng Malolos, Bulacan at nasamsam sa kanilang ang 7 kilo ng shabu na aabot sa P47.6 milyon.
Batay sa report, ikinasa ng PDEA RO NCR - NDO, PDEA RO-NCR RSET2, PDEA Bulacan Provincial Office, NICA, at Provincial Intelligence Unit Bulacan Police Provincial Office ang buy-bust operation, alas-6:33 ng gabi nitong Sabado sa Brgy. Tikay, Malolos, Bulacan at dito ay naaresto ang mga suspek.
Nakalagay sa pitong brown-gold foil packs ang shabu na may Chinese characters na “Freeso-dried Durien”.
- Latest