Red alert status ikinasa ng AFP
MANILA, Philippines - Nagdeklara na rin kahapon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng red alert status sa 140,000 nitong malakas na puwersa sa buong bansa, dalawang araw bago ang midterm elections sa Lunes (May 13).
Ito’y sa gitna na rin ng nangyaring pananambang ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa mga escorts ng Precints Count Optical Scan (PCOs) machine kamakalawa na ikinasawi ng dalawang sundalo habang anim pa ang nasugatan sa Tabuk City, Kalinga.
Bukod dito, isa ring tauhan ng Philippine Marines ang nasugatan matapos paulanan ng bala ng mga rebeldeng NPA ang mga escorts ng PCOs machine sa Gingoog City, Misamis Oriental kamakalawa.
Sinabi ng opisyal na palalakasin pa ng PNP ang security at patrol operations nito sa mga polling precints sa mismong araw ng eleksyon.
Mahigpit ring tututukan ang mga lugar na maraÂming presensya ng mga armadong grupo na banta sa halalan. Kabilang dito ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), New People’s Army (NPA), Bangsa Islamic Freedom Fighters (BIFF) ni Commander Ameril Umbra Kato.
- Latest