^

Police Metro

May ibang pamilya ang ama… Estudyante nag-dive mula 9th floor

Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Dead-on-the spot ang isang 19-anyos na binata matapos umano itong tumalon mula  sa ika-9 na palapag ng tinutuluyang condominium kahapon ng umaga sa Mandalu­yong City.

Ang biktima ay  nakilalang si Luke Daryl Santos, estudyante ng Philippine Maritime Institute at nakatira sa ika-9th palapag ng GA Tower 1 Bldg., Cordillera St., Brgy. Malamig, ng lungsod.

Ayon sa mga residente nakarinig sila ng malakas na lagabog dakong alas-7:00 ng umaga kaya’t ina­lam nila ito at dito nakita ang biktima na duguan.

Ayon sa isang Bryan De Mesa, bago gawin umano ng biktima ang pagpapakamatay ay magkasama sila na nag-inuman at dito ay naibuhos nito ang problema sa mga magulang dahil sa pagkakaroon ng ibang pamil­ya ang ama na kung saan ay umabot ng magdamag ang kanilang inuman.

Nang ihatid ni De Mesa sa tinutuluyang condo, sa halip na kumatok sa pinto ay sa may fire exit nagtungo ang biktima.

Inihabilin pa umano kay De Mesa ng biktima ang cellular phone nito at mga kaibigan na siya na ang bahala.

Lumipas ang 15 minuto ay hindi pa bumabalik ang biktima at ng kanyang sundan ito ay nakitang nakahawak ito sa railing ng rooftop ng gusali.  

Nagawa naman ni De Mesa at ng ina ng biktima na mapigilan ito at maipasok sa kanilang unit.

Ngunit nagawang makawala ang biktima at dire-diretsong tuma­lon buhat sa rooftop ng gusali.

 

vuukle comment

AYON

BIKTIMA

BRGY

BRYAN DE MESA

CORDILLERA ST.

DARYL SANTOS

DE MESA

INIHABILIN

PHILIPPINE MARITIME INSTITUTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with