6 rehiyon binalaan laban sa pagyanig, tsunami
MANILA, Philippines — Pinaghahanda ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) mula sa anim na rehiyon upang paghandaan ang anumang posibilidad ng pagyanig at tsunami.
Ang mga rehiyon ay kinabibilangan ng Region I, (Ilocos); Region II, (Cagayan Valley); Region III, (Central Luzon); Region IV-A, (Calabarzon), Region IV-B, Mimaropa at National Capital Region (NCR).
Ayon sa DILG, inabisuhan na nila ang local chief executives (LCEs) na maglatag ng mga paghahanda sa posibleng intensification pa rin ng earthquake sequence sa Manila Trench.
Nabatid na ilang araw bago ang Pasko, inulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na nakapagtala sila ng 55 earthquakes off mula sa baybayin ng Ilocos Sur hanggang Manila Trench na pinangangambahang magdulot ng high-magnitude earthquakes.Subalit nitong Disyembre 24 at 25 isang pagyanig lamang ang naitala.
Maging ang publiko ay inalerto na rin lalo ang mga nakatira sa coastal communities, para agad na matukoy kung may banta ng tsunami.
- Latest