^

Police Metro

Mayang (89)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANG dami namang pagkain na inorder mo, Daddy. Paano natin mauubos ang mga yan?’’ tanong ni Jeffmari nang ilapag sa mesa nila ang mga putahe ng pagkain.

“Puwede namang ibalot ang mga ‘yan at iuuwi natin sa condo.’’

“Ah tulad ng ginagawa ni Mommy kapag kumakain kami.’’

“Kumakain din kayo sa restaurant ni Mommy?’’

“Opo. Pero dun sa probinsiya lang. Hindi naman kami lagi pumupunta rito sa Manila.’’

“Bukod sa pagkain, ano pang ginagawa ninyo ni ­Mommy?’’

“Wala na—kumakain lang. Pag Linggo lang yun. Magsisimba muna kami at saka kakain.’’

“Ano pang ginagawa n’yo.”

“Ako pumapasok sa school at si Mommy ay nagtitinda sa palengke.’’

“Sinong naghahatid sa iyo sa school?’’

“Si Mommy.”

“Sa pag-uwi sino sumusundo sa iyo?’’

“May service akong traysikel sa pag-uwi. Sa palengke ako inihahatid. Sa tindahan ako ng damit ni Mommy tatambay at dun din kakain. Busy si Mommy sa pagtitinda. Dun din ako nag-aaral ng lesson ko.’’

Gustong mapaluha ni Jeff sa kuwento ng anak. Ganun pala ang araw-araw na routine ng mag-ina.

Binalingan ni Jeff si Mayang.

“Hindi ka na mahihirapan, Mayang dahil ako na ang maghahatid-sundo kay ­Jeffmari. Tutulungan din kita sa pagtitinda ng damit. Gusto mo, kumuha pa tayo ng isa pang puwesto? Marami akong ipon na pera.’’

“Tama na muna ang puwesto ko. Saka na lang tayo magplano kung dadagdagan natin.’’

“Sige. Ikaw ang bahala,’’ sabi ni Jeff at marahang pinisil ang palad ni Mayang.

Matapos kumain, sa Manila Zoo dinala ni Jeff ang mag-ina. Tuwang-tuwa si Jeffmari nang makita sa unang pagkakataon ang mga hayop sa zoo. Alam ni Jeff, lahat nang bata ay gustong makakita ng mga hayop na inaalagaan sa zoo.

“Happy ka Jeffmari?’’ tanong ni Jeff.

“Opo Daddy.’’

“Pagkatapos dito ay sa Luneta naman tayo pupunta. Pagkatapos sa Luneta, sa Fort Santiago naman.’’

(Itutuloy)

TRUE CONFESSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with