^

Police Metro

‘Parol’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(PART 7)

“NANG makita kong ginagahasa ng lalaki ang aking asawa na wala ring malay, nakadampot ako ng kapirasong kahoy at pinalo sa ulo ang rapist. Hindi ko tinigilan sa tindi ng galit sa ginagawa sa aking asawa. Hanggang sa bumulagta ang lalaki. Duguan. Hindi na humi­hinga. Agad kong dinaluhan ang aking asawa na walang malay at punit-punit ang damit dahil sa ginawa ng rapist.

“Nagdatingan ang mga tao at tinulungan akong dalhin sa ospital ang aking asawa na mayroon palang sugat sa tagiliran makaraang saksakin ng rapist. Mayroon ding sugat sa palad dahil nakipag-agawan sa patalim.

“Nang madala namin sa ospital ang aking asawa at matiyak kong ligtas na sa panganib, sumuko ako sa pulisya. Sinabi ko ang mga nangyari kung bakit napatay ko ang lalaki.

“Isa namang nakasaksi ang lumutang at pinatunayan na nagtanggol lamang ako sa sarili at ipinagtaggol din ang aking asawa sa rapist.

“Sa kabila niyon ay nahatulan pa rin akong makulong. Pero makalipas ang anim na taon sa bilangguan ay nabigyan ako ng parole.’’

Halos hindi ako humihinga habang nagkukuwento si Lolo Fernando. Yun pala ang dahilan kaya matagal ko siyang hindi nakita.

(Itutuloy)

RAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with