^

Police Metro

Dalagita naputol ang mga daliri sa ‘5-star’

Mer Layson, Doris Franche-Borja - Pang-masa
Dalagita naputol ang mga daliri sa ‘5-star’
“Itong gitna at pala­singsingan, litaw na po yung buto so completion, amputation na lang ang gagawin doon para maisara dahil nakalabas yung buto,” sabi ng isang nurse ng Philippine Orthopedic Center sa Quezon City .
STAR/File

MANILA, Philippines — Naputol ang ilang daliri ng isang 13-anyos na dalagita matapos masabugan ng paputok na 5-star nitong noong Miyerkules ng gabi.

Batay sa ulat, napinsala umano ang kaliwang kamay ng dalagita.

“Itong gitna at pala­singsingan, litaw na po yung buto so completion, amputation na lang ang gagawin doon para maisara dahil nakalabas yung buto,” sabi ng isang nurse ng Philippine Orthopedic Center sa Quezon City .

Base sa ina ng biktima, nagulat na lamang itong isinugod na sa ospital ang anak niyang nagpaalam lamang na lalabas.

Ayon umano sa anak, siya mismo ang nagsindi ng paputok, subalit dumikit umano ito sa kanyang kamay nang ihahagis na niya.

Labis ang pagsisisi ng dalagita sa nangyari na nagsabing hindi na raw uulit na magpaputok.

Siya ang ikalawang kaso ng mga nabiktima ng paputok sa naturang ospital.

Samantala, sunog at lapnos naman ang balat sa binti at hita ng isang 12-anyos na bata na dinala sa Tondo Medical Center matapos na masabugan naman ng iligal na boga.

Nakalabas din siya ng ospital matapos malapatan ng lunas.

Sa tala ng Department of Health (DOH), umaabot na sa kabuuang 101 ang fireworks-related injuries (FWRI) mula noong Disyembre 22 hanggang 6:00AM ng Disyembre 27, 2024.

FIRECRACKERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with