Spain kinoronahang FIFA World Cup champions

EAST RUTHERFORD, United States — Nakamit ng Spain ang kanilang ikalawang World Cup trophy matapos takasan ang defending champion Argentina, 1-0, sa harap ng 80,663 fans kasama si US President Donald Trump dito.
Ipinasok ni Ferran Torres ang isang extra-time winner para tulungan ang Spain na malusutan ang Argentina.
“The goal belonged to 47 million people,” ani Torres. “It wasn’t just mine or the 26 players. Destiny was written, and it was meant for us to win far away from our people.”
Sinipa ng Barcelona striker ang winning goal sa ika-106 minuto ng laro para sa unang World Cup trophy ng Spain sapul nang talunin ang Netherlands noong 2010 edition sa South Africa.
Dinomina ng Spain ang laro kung saan ilang beses silang nagkaroon ng pagkakataong makaiskor, ngunit hindi makapagtala ng goal.
Tinapos ni Argentina goalkeeper Emiliano Martínez ang laro na may 11 saves, ang pinakamarami sa isang World Cup final.
Dinsikaril din ng Spain ang matagumpay sanang pamamaalam ni Argentinian football legend Lionel Messi sa 48-team event na nilaro sa U.S., Canada at Mexico.
“I feel sad,” wika ng 39-anyos na si Messi na umiiyak na tinanggap ang kanyang runner-up medal sa harap ng mga Argentina supporters.
Winakasan ni Messi ang kanyang World Cup career na may kabuuang 21 goals sa ilalim ng 12 goals ni Kylian Mbappé ng France.
- Latest





















