Eldrew swak sa finals ng floor exercise
MANILA, Philippines — Ayaw paawat ni Karl Eldrew Yulo na patuloy ang matikas na performance sa World Cup Series.
Nakasiguro si Yulo ng tiket sa final round ng men’s floor exercise sa Osijek Leg ng na ginaganap sa Gradski VRT Hall sa Osijek, Croatia.
Hindi alintana ni Yulo ang mga beteranong karibal nito sa qualifying round kung saan nagrehistro ito ng 14.200 puntos mula sa 5.300 difficulty at 8.800 execution para makuha ang ikalawang puwesto.
Nanguna si Kameron Nelson ng Amerika na may 14.300 puntos galing sa 5.700 difficulty at 8.500 execution.
Nagtapos naman sa ikatlo si Yahok Sharamkou ng Russia na may 14.133, habang ikaapat si Tokyo Olympics gold medalist at 2023 world champion Artem Dolgopyat ng Israel na may parehong 14.133 at ika-lima si Paris Olympics bronze medalist Harry Hepworth ng Great Britain na may 14.066.
Pasok din sa finals sina Anze Hribar ng Slovenia (14.033), Noah Berkovich ng Israel (14.000) at Rayderley Zapata ng Spain (13.766).
- Latest


















