^

PM Sports

Lito Tacujan yumao sa edad 79

Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa na namang alamat ng Philippine sportswriting ang namaalam sa mundo.

Pumanaw si Juanito “Lito” Tacujan, ang batikang sports editor ng The Philippine STAR, dahil sa atake sa puso sa Canlubang, Laguna.

Siya ay 79-anyos.

Naulila niya ang asa­wang si Catalina, mga anak na sina Jose Maria Tacujan, Juan Luis Tacujan, Maria Kristina T. Ayala at Michael Roy Ayala, Karina Michaela T. Angeles at Chippy A­ngeles at Samuel Julian Tacujan at mga apong sina Miguel Anton T. Ayala Natalie Isobel F. Tacujan Miko Joaquin T. Ayala at Audrina Hope T. Angeles.

Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa Peace Chapel of Heaven’s Memorial Gardens sa Biñan, Laguna.

Nakatakda ang libing sa Marso 24 matapos ang lamay sa Marso 20 hanggang 23.

Hinawakan ni Tacujan ang sports section ng The Philippine STAR sa loob ng 32 taon at kinoberan ang mga pinakamalalaki at mahahalagang sports events mula noong 1986 hanggang 2018 sa kanyang lengguwaheng parehong creative at informative.

Naging pangulo rin siya ng Philippine Sportswriters Association kung saan ibinahagi niya ang kanyang leadership at expertise sa mga kasamahan at maging sa mga batang sports scribes.

Nagtapos sa University of Santo Tomas, isa si Tacujan sa mga u­nang tumanggap ng UST AB Gantimpala Awards noong 2010 kahanay ang mga outstanding alumni ng Faculty of Arts and Letters (dating Philo and Letters sa kanyang college years).

Noong 2019 ay igina­wad kay Tacujan ang PSA with the Lifetime Achievement Award para sa sports journalism.

LITO TACUJAN

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with