KAT, Shamet bumida sa Knicks
NEW YORK - Bumira si Karl-Anthony Towns ng 39 points at umiskor si Landry Shamet ng career-high 36 points mula sa bench sa 140-130 pagdaig ng Knicks sa Miami Heat sa NBA Cup game.
Kumamada si Fil-Am Jordan Clarkson ng 25 points kasunod ang 15 markers ni Mikal Bridges, habang tumipa si Josh Hart ng triple-double na 12 points, 12 rebounds at 10 assists para sa New York (8-4).
Pinamunuan ni Norman Powell ang Miami (7-6) sa kanyang season-high 38 points.
Parehong may 1-1 marka ang Knicks at Heat sa Group C play ng NBA Cup.
Mula sa 61-62 agwat sa second quarter ay nagsalpak si Towns ng magkasunod na 3-pointers at dalawang free throws para sa 78-68 halftime lead ng New York.
Tuluyan nang nabaon ang Miami sa 110-125 mula sa triple ni Shamet sa 6:55 minuto ng fourth period.
Sa iba pang laro, tinalo ng Los Angeles Lakers ang New Orleans Pelicans, 118-104; dinaig ng Milwaukee Bucks ang Charlotte Hornets sa overtime, 147-134 at panalo ang Minnesota Timberwolves sa Sacramento Kings, 124-110.
- Latest
















