Sariling arena ng PBA sa Commonwealth
MANILA, Philippines — Matapos ang ilang dekadang pagkaantala, sisibol na ang sariling arena ng Philippine Basketball Association (PBA).
Mismong si PBA Commissioner Willie Marcial ang naghayag ng naturang plano sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) at University of the Philippines (UP) para sa arena na nakatakdang ipatayo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
“Hinihintay na lang namin mag-pirmahan ng MoA bago ‘yung groundbreaking,” ani Marcial sa National Congress ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kamakalawa.
Nasa kalagitnaan na ng diskusyon ang PBA na kinatawan nina Meralco board governor Atty. Bill Pamintuan, Magnolia governor Jason Webb at Phoenix governor Atty. Raymond Zorilla,.
Itatayo ang naturang arena sa 3,000 hanggang 4,000 ektaryang lupain ng UP malapit sa Up-Ayala Land Technohub sa Commonwealth tampok ang 8,000 hanggang 10,000 seater capacity.
- Latest















