Marcelo bumandera sa Red Lions
MANILA, Philippines — Kinapitan ng defending champion San Beda University ang mainit na laro ni rookie guard Daniel Marcelo upang itumba ang Mapua University, 61-57, sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament kahapon sa Playtime FilOil sa San Juan City.
Sinindihan ng Fil-Canadian guard ang mitsa ng kanilang opensa sa third period upang tulungan ang Red Lions na makahabol at makuha ang pang-walong panalo sa 11 laro.
Nagtala si Marcelo ng 16 points, tatlong rebounds at tatlong assists sa pagsosyo ng Mendiola-based squad sa tuktok ng Group A kasama ang Jose Rizal University.
Nanindak kaagad ang Cardinals sa unang dalawang yugto matapos makalamang sa halftime, 30-23.
Biglang bumangis ang Red Lions sa third quarter sa likod ni Marcelo upang pangunahan ang 12-2 run at maagaw ang 35-32 abante.
Nagpatuloy ang pananakmal ng San Beda para sa 45-36 abante sa pagtatapos nito.
- Latest



















