^

PM Sports

Eala hindi maawat sa Spain

Chris Co - Pang-masa
Eala hindi maawat sa Spain
Tinanghal na singles at doubles champion ang Pinay na si Alex Eala (kanan) sa W100 Vitoria-Gasteiz sa Spain.
photo@Alex Eala FB

MANILA, Philippines — Hindi nagpatinag si Alex Eala nang kubrahin nito ang kampeonato sa singles at doubles sa ITF W100 Vitoria-Gasteiz na ginanap sa Spain.

Magarbong tinapos ni Eala ang kampanya nito kung saan naitala nito ang 6-4, 6-4 panalo laban kay Victoria Jiménez Kasintseva ng Andorra sa women’s singles finals para matamis na makopo ang kampeonato.

Unang tinalo ni Eala si Dutch Lian Tran sa round of 32 kasunod ang pananaig kay Spanish Lucia Cortez Llorca sa round of 16.

Iginupo pa ni Eala sina Ukrainian Yulia Starodubtsewa, 7-5, 6-4 sa quarterfinal at Mexican Maria Jose Portillo Ramirez, 6-2, 6-1, sa semis para makapasok sa finals.

“This win means the world to me, it even made me ugly cry. I am so proud because this represents the culmination of so much hard work,” ani Eala.

Una nang nagreyna si Eala sa doubles event kasama si Estelle Cascino ng France.

Pinataob nina Eala at Cascino sina Lia Karatancheva ng Bulgaria at Diana Marcinkevica ng Latvia sa pamamagitan ng 6-3, 2-6, 10-4 panalo sa gold medal match ng doubles.

Ito ang unang pagkakataon na nasungkit ni Eala ang doubles at singles titles sa isang event.

Kasalukuyang may apat na doubles titles na si Eala.

Dalawa sa koronang ito ay kasama ni Eala si Cascino.

Nagkampeon sina Eala at Cascino sa W75 Croissy-Beaubourg sa France noong Marso.

May limang korona naman si Eala sa singles.

vuukle comment

ALEX EALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with