^

Probinsiya

Misis na nawawala, natagpuang patay sa lawa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bangkay na ang isang ginang, na unang iniulat na nawawala ng kanyang mister, nang matagpuang palutang-lutang sa lawa sa Pililla, Rizal nabatid kahapon.

Kinilala lang ang biktima sa alyas na “Nelia”, residente ng Brgy. Wawa, Pililla, Rizal.

Sa ulat ng Pililla Municipal Police, alas-9:40 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ang bangkay ng biktima habang palutang-lutang sa Laguna Lake.

Nauna rito, noong Miyerkules, alas-2:30 ng madaling araw, na­gising na lang umano ang mister na wala na ang kanyang misis sa kanilang bahay.

Hinanap umano ng mister ang asawa at dito may nakapagsabi sa kanya na alas-3:00 ng madaling araw ng nasabi ring petsa, ay nakita pang naglalakad ang ginang sa Manila East Road, malapit sa Hulo Bridge, ngunit hindi na nakauwi pa.

Laking panlulumo naman ng mister nang makatanggap ng impormasyon na natagpuan na ang asawa na wala nang buhay.

Nabatid na namamaga na ang bangkay ng biktima nang madiskubre, na indikasyon na matagal nang nakababad ito sa tubig.

vuukle comment

NELIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with