^

PM Sports

Volleyball appeal

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Gaya sa Pilipinas, sirit ang popularidad ng volleyball sa US.

Ayon sa AP report, all-time high 470,488 ang bilang ng mga US girls high school volleyball players sa taong 2022-23 – mas malaki sa lahat, pangalawa sa 486,355 ng outdoor track and field.

Ang bilang naman ng junior clubs sa USA Volleyball eh 1,750 lamang noong 2004-05 at lumobo sa 3,880 sa 2023-24.

Maraming factors. At isa dito ang emergence ng Team USA bilang world power na sumungkit ng medalya sa huling limang Olympics, kasama ang gold sa Tokyo (2021) at silver sa Paris (2024).

Ang nakakagulat eh, ang sabay na pagsirit ng volleyball popularity sa Pilipinas, samantalang nanatiling mahina ang kalibre ng Philippine national team.

Kahit nga matagal nang rumaratsada ang PVL, nananatiling pangarap lang sa women’s team ang Southeast Asian Games championship simula huli natin itong mapanalunan noong 1993 sa Singapore.

Ganoon pa man, patuloy ang pagsirit ng volleyball sa live gate attendance, TV at social media exposure.

Ang tingin ng mga US players at coaches, ma-appeal ang volleyball dahil sa taglay nitong energy at emphasis sa teamwork.

“Everybody can bring a different skill and strength to the court but at the end of the day it takes the whole team,” ani ng isang American observer. “Caitlin Clark is a perfect example. She can take over a (basketball) game by herself — assists, rebounds and points. In volleyball, not one person can take over a game. You can get a great outside hitter that can take over and give you offense, but you still need defense, you still need a great setter, you still need a lot of other components.”

Ganoon din ba ang kaso sa Pilipinas?

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->