^

PM Sports

Cool Smashers nasa ‘Cloud Nine’

Russell Cadayona - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Sa siyam nilang kampeonato, ang pagrereyna sa katatapos lamang na 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference ang pinakamatamis.

Ito, ayon kay Creamline coach Sherwin Meneses, ay dahil sa hindi paglalaro nina injured Alyssa Valdez at Tots Carlos at Alas Pilipinas member Jema Galanza habang nasa Japanese league si Jia De Guzman.

“Matamis na matamis. Kahit na wala ‘yung four players namin pero nagtiwala talaga ako sa team namin kasi talagang nag-eensayo sila,” ani Me­neses. “At kahit nandiyan ‘yung mga star players namin, hindi sila talaga nagpapabaya.”

Winalis ng Cool Sma­shers ang Akari Chargers, 25-15, 25-23, 25-17, sa kanilang ‘winner-take-all’ championship game sa harap ng 8,289 fans noong Miyerkules sa Philsports Arena sa Pasig City.

Maituturing itong ‘Grand Slam’ ng Creamline matapos magwagi sa magkasunod na 2023 Se­cond All-Filipino at 2024 All-Filipino Conference.

Hinirang si Bernadeth Pons bilang tournament Most Valuable Player.

“Fulfilling kasi alam ko kung paano ako magtrabaho everyday, kung paano ako mag-extra effort sa sarili ko rin para maging 100 percent ako sa team kasi ‘yung injury ko nga before,” sabi ni Pons.

Sa paggupo ng Cool Smashers sa Chargers ay pumalo si Pons ng triple double na 19 points, 12 excellent digs at 13 excellent receptions.

Nabalewala naman ang 10-0 record ng Akari na inabot ng nerbiyos sa kanilang unang PVL finals appearance simula nang sumali sa liga noong 2022.

Sa kabila ng kabiguan sa kanilang unang finals appearance simula nang sumali sa PVL noong 2022, ang second place ang pinakamataas na puwestong nakamit ng Chargers ni Japanese coach Taka Minowa.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with