^

PM Sports

Cendy Asusano ilalabas ang buong puwersa sa Paris

Chris Co - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Handang-handa na si wheelchair thrower Cendy Asusano na makipagsabayan sa matitikas na throwers sa mundo sa kanyang debut sa Paralympic Games.

Hahataw si Asusano sa women’s javelin throw F54 event ngayong araw sa La Stade de France sa Paris, France kung saan makakalaban nito ang matitikas na throwers mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Siyempre malaking karangalan na mapili sa Paralympics kaya ibibigay ko po yung aking 100 percent sa labang ito,” ani Asusano.

Magsisimula ang laban sa alas-10:04 ng umaga (alas-4:04 ng hapon sa Maynila).

Aminado si Asusano na kabado ito.

Subalit handa itong makipagsabayan para maipakita ang tikas ng isang Pinoy athlete.

“May konti din pong kaba kaya gusto ko ma­ging kundisyon kaya pagdating ng laban ay maging maganda ang kinalabasan ng performance,” ani Asusano.

PARALYMPIC GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with