^

PM Sports

Lady Tams vs Lady Bulldogs sa SSL Finale

Nilda Moreno - Pang-masa
Lady Tams vs Lady Bulldogs sa SSL Finale
Iniskoran ni Erin Pangilinan ng NU si Jaquilline Ledesma ng Letran.
SSL photo

MANILA, Philippines — Naikasa ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang kanilang finals showdown kontra National University Lady Bulldogs matapos suwagin ang College of Saint Benilde Lady Blazers, 25-16, 25-16, 25-16 sa 2024  Shakey’s Super League (SSL) National Invitationals do-or-die semifinals na nilaro sa Ninoy Aquino Stadium kahapon.

Magsisimula ang bakbakan ng Lady Tamarawas at reigning UAAP champions Lady Bulldogs sa Game 1 ng best-of-three finas ngayong alas-4 ng hapon sa parehong lugar.

Umusad sa finals ang Lady Bulldogs nang kalusin nila ang Letran Lady Knights, 25-19, 25-18, 25-21 sa unang laro sa event na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, Eurotel, Victory Liner, Team Rebel Sports at Mikasa,

Umarangkada sa opensa si Gerzel Petallo para sa Lady Tamaraws matapos magtala ng 14 markers mula sa siyam na attacks, apat na,service aces at isang block.

Kaya naman paniguradong si Petallo pa rin ang kakapitan ng FEU sa puntusan pagharap nila sa Lady Bulldogs.

Para sa NU, inaasa­hang sasandalan ng Lady Bulldogs si Bella Belen na nagposte ng 18 points mula sa 14 kills, tatlong service aces at isang block upang magpatuloy ang kanilang pamamayagpag.

Hindi pa natatalo kahit isang set ang Lady Bulldogs.

Samantala, maghaharap sa battle for third place ang Letran at CSB sa alas-2 ng hapon. 

 

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with