^

PSN Palaro

Fil-foreign tankers hataw sa PAI National Trials

Philstar.com
Fil-foreign tankers hataw sa PAI National Trials
Sina PAI Secretary General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain, swimmer JMicaela Jasmine Mojdeh at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann.

MANILA, Philippines – Kaagad nagparamdan ang mga Filipino-foreign swimmers sa pangunguna ni Filipino-American Riannah Chantelle Coleman sa pagsisimula ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) 50-meter (long course) National Sports Trials kahapon sa Teofilo Yldefonso swimming pool sa Malate, Manila.

Nalagpasan ng 15-anyos na si Coleman, isang regular na campaigner sa local swimming circuit, ang 33.98 segundong Southeast Asian Age Group Qualifying Standard Time (QTS) sa girls’ 14-15 50-meter breaststroke sa impresibong 33.96 para sa gintong medalya.

Tinalo ng protegee ni coach Dax Halili ng Dax Swim Club sina Krystal Ava David ng Golden Sea Eagles (34.69) at Jamaica Enriquez ng Pangasinan (35.62) sa event na suportado ng Speedo, Pocari Sweat at Philippine Sports Commission (PSC).

“It feels so amazing because I sacrifice so much for this moment. I woke up at 2 a.m. every day to practice before going to school, there’s so much pressure on me but surprisingly I made it and I am so very happy with the results,” sabi ng athletic scholar sa government-run National Academy of Sports sa Capas, Tarlac.

Hindi naman nakasali si Fil-Canadian Kayla Sanchez sa Heat 12 ng 13 Finals sa naturang event matapos kumampanya sa nakaraang 2024 Paris Olympics.

Sinabi ni PAI Secretary General at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain, gagamitin nila ang National Trials para sa pagpili ng mga miyembro ng national training pool na kakatawan sa bansa sa mga international competitions ngayong taon hanggang sa 2025.

“Kung ano ang mga natutunan ninyo sa training, gawin ninyo ang lahat ng inyong makakaya. Kami po sa PAI ang bahala kapag nakasama kayo sa national team,” ani Buhain sa opening ce­remony na dinaluhan din nina PSC Chairman Richard Bachmann at Executive Director Paulo Tatad.

Hataw din si Gian Santos ng Rancho Santa Margarita sa California sa boys’ 16-18 400-meter freestyle sa oras na 4:01.26 halos anim na segundo na mas mabilis sa 4:07.74 QTS sa naturang kategorya.

Tinalo niya sina Paolo Miguel Labanon ng Rasa Wave (4:07.79) at Anton Della ng La Union (4:17.70).

Parehong binasag nina Fil-Am Jaydison Dacuycuy at Fil-Mongolian Enkmend Enkhmend ang QTS (30.72) sa boys’ 14-15 50m breast sa tiyempong 30.39 at 30.60, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang gold medalists sa kani-kanilang events ay sina Behrouz Mojdeh sa boys 11-13 400m free (4:40.05), Aishel Evangelista (14-15, 4:18.27), Adrian Eichler (19-over, 4:07.01), Daniel Bumadella (boys 11-13 50m breast, 33.82), Joaquin Taguinod (16-18, 30.16), Jaeddan Gamilla (19-over, 28.34), Rielle Antonio (girls 11-13, 50m breast, 36.98), Arabella Taguinota (16-18, 34.14), Alyza Ng (19-over, 33.20), Makayla Petalvero (girls 11-13 400m free, 4: 53.57), Kyla Bulaga (14-15, 4:45.31), Jie Talosig (16-18, 4:40.93) at Mishka Sy (19-over, 4:41.29).

vuukle comment

SWIMMING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with