^

PM Sports

Baltazar, Ballungay pabibo sa Draft Combine

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Baltazar, Ballungay pabibo sa Draft Combine
Nagpakitang-gilas si Kai Ballungay sa isinagawang PBA Draft Combine kahapon.
PBA Image

MANILA, Philippines — Hindi kumpleto ang 70 na aplikante pero nagpasiklab pa rin ang lagpas 50 prospects sa unang araw ng 2024 PBA Rookie Draft Combine kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Bumida ang posibleng No.1 pick na si Justine Baltazar ng Pampanga Giant Lanterns sa unang araw ng combine tampok ang pagsukat sa biometrics at skill tests ng mga draft applicants.

Swak din sa unang araw ang iba pang top prospects na sina Kai Ballungay ng Ateneo, Mark Nonoy at Jonnel Policarpio ng La Salle, Fil-American ace Brandon Ramirez at CJ Cansino ng UP.

Nakahabol din sa combine sina Caelan Tiongson, Dave Ildefonso at RJ Abarrientos mula sa training camp ng Strong Group Pilipinas bilang paghahanda nila para sa Jones Cup sa Taiwan.

Dahil dito, hindi makakadalo ang tatlong manlalaro sa PBA Rookie Draft ceremony sa Glorietta sa Makati sa Linggo.

Samantala, hindi nakadalo sa unang araw ng combine ang iba pang prized prospects na sina Sedrick Barefield, Evan Nelle at Ben Phillips na pare-parehong nasa Amerika pa.

Wala pang kasiguruhan kung aabot sila sa ikalawang araw ngayon at sa mismong draft ceremony.

Matapos ang skill tests kahapon ay maglalaban ang lahat ng aplikante sa ilang 5-on-5 scrimmage ngayon sa harap ng PBA coaches at scouts.

Sasalain ang lahat ng aplikante bago ianunsyo ang pinal na listahan ng makakasama sa Rookie Draft.

Converge ang may hawak ng No. 1 pick kasunod ang Blackwater, Terrafirma, Phoenix at Super LPG sa Top 5.

Susundan sila ng NLEX, Rain or Shine sa No. 7 at No. 8, Magnolia at Ginebra habang huling pipili sa 11th at 12th ang Meralco at San Miguel, ayon sa pagkakasunod.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with