^

PM Sports

Catantan unang nalagas sa Team Philippines

Pang-masa
Catantan unang nalagas sa Team Philippines
Sam Catantan

PARIS — Minalas si Pinay fencer Sam Catantan kay World No. 2 at top-seeded Arianna Errigo ng Italy, 12-15, sa kanilang Table of 32 bout sa women’s foil individual event ng 2024 Olympic Games kahapon.

Nauna nang tinalo ni Catantan si Brazilian Mariana Pistoia, 15-13, sa kanilang Table of 64 match.

Sa kabila ng pagiging World. No. 266 ay ipinakita pa rin ng 22-anyos na Pinay fencer ang kanyang tapang sa pagsagupa kay Errigo.

Sa isang punto ay nakabawi si Catantan mula sa isang four-point deficit sa opening round para agawin ang 5-4 kalamangan kontra sa mas matangkad na Italian bet.

Ngunit ginamit ni Errigo ang kanyang eksperyensa sa second round para iposte ang 13-9 bentahe matapos ang magkasunod na tusok kay Catantan sa huling pitong segundo nito.

vuukle comment

SAM CATANTAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with