^

PM Sports

Tangerines kampeon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nag-reyna sa 2024 Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) ang Quezon Tangerines matapos walisin ang Biñan Tatak Gel 1-Pacman Partylist tampok ang 25-19, 24-26, 25-18, 25-15 panalo sa Game 2 ng finals kamakalawa ng gabi sa Quezon Convention Center sa Lucena.

Humataw ng 18 puntos si Mary Grace Borromeo habang may 17 ang ace player na si Rhea Mae Densing para sa kambal na tagumpay matapos ding hirangin na MPVA Most Valuable Player.

Nag-ambag din ng tig-16 puntos sina Cristy Onda­ngan at Mycah Go para sa balanseng atake ng Quezon na binuo ng core ng NCAA three-peat champion College of St. Benilde.

Mas madaling panalo ito mula sa 25-19, 23-25, 25-18, 21-25, 17-15 na pag-eskapo ng Tangerines sa comeback win nila sa Game 1 sa homecourt ng Volley Angels sa Alonte Sports Arena sa Laguna.

Bukod sa MVP, isinukbit din ni Densing ang Best Opposite Hitter award, Best Setter si Chenae Basarte habang tinanghal na First Best Middle Blocker si Ondangan na siyang bumida sa Game 1 na panalo ng Quezon.

Kinilala naman bilang ibang awardees sina May Ann Nuique ng Biñan bilang Best Homegrown Player, Jonah Denise Dolorito bilang Second Best Outside Hitter at Angelica Blue Guzman ng Best Libero ng bronze medalist na Rizal St. Gerrard Charity Foundation.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with