^

PM Sports

Margaux sinisiw ang mga kalaban

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos hindi nahirapan sa laban ang Margaux matapos nitong ilampaso ang mga katunggali sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas noong Sabado ng hapon.

Hindi nilubayan ng Margaux ang matulin sa largahan na Time For Music paglabas ng aparato kung saan ay nagtagisan sila ng bilis hanggang sa kalagitnaan ng karera.

Pagbaybay ng far turn ay kumuha na ng unahan ang liyamadong Margaux, habang lalampas na rin ang Binibini sa nauupos na Time For Music.

Papalapit ng huling kurbada ay nasa dalawang kabayo na ang agwat ng Margaux sa Binibini, nasa tersero ang Maayo Kaayo at pang-apat ang Full Of Alibi.

Pagsapit ng labanan sa rektahan ay nanatili ang tatag ng Margaux sa una­han kaya naman nanalo ito ng may limang kabayo ang agwat sa pumangalawang Binibini, pangatlo naman ang Maayo Kaayo.

Nirendahan ni jockey JB Guerra, nirehistro ng Margaux ang tiyempong 1:30.2 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng horse owner na si Eduardo Gonzales ang P10,000 added prize.

Nakopo naman ng breeder ng nanalong kabayo ang P4,000 habang P1,000 ang naibulsa ng second placer sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Samantala, walong races ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) noong Sabado kaya naging masaya ang paglilibang ng mga karerista.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with